"Paraan upang Maiwasan ang Pag-aasawa ng maaga/wala sa Oras"
Upang maiwasan ang maagang pag-aasawa,Kinakailangan mo munang
makapagtapos ng pag-aaral at kung nasa wastong gulang kana kinakailangang pag-
isipan mo muna ang mga bagay-bagay ng sa ganun hindi ka mag-sisi sa huli.Yang pag-
aasawa na yan makakapaghintay yan hindi mo dapat madaliin dahil darating at darating
yan sa buhay mo.
Ang ibang Kabataan sa ngayon hindi na nila inisip ang kahihinatnan nito
dahil sa sila'y maagang nakikipag-asawa,hindi nila pinag-iisipan,pinaghahandaan ng
mabuti kahit na sila ay wala sa oras.Masyado silang nag-mamadali.Akala siguro nila
maganda at masaya ang mag-asawa ng maaga,di nila alam na napakahirap nito.Imbes na
makapagtapos sila ng pag-aaral at makahanap ng magandang trabaho.Mas inuuna pa nila
ang pag-aasawa.Ito ang pinaka-mahirap at pinakamalaking responsibilidad ng isang Ina.
Dapat bago ka makipag-asawa kinakailangan na handa at kaya mong buha-
yin ang iyong magiging Pamilya at kailangan mo din itong pag sikapan ng mabuti ng sa ganun mapapatunayan mo na kaya mo na talagang mag-buo ng isang Pamilya.Upang sa ganun hindi
kayo mahirapan sa pag papalaki ng inyong mga Anak at ng inyong Pamilya.Dapat na mag tiyaga at mag sikap upang ang inyong pamilya ay guminhawa at manatiling masaya at buo.